53 OFW mula Syria dumating na kagabi

DUMATING na sa bansa ang 53 pang overseas Filipino worker (OFW) mula sa Syria kagabi (Mayo 28)

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dakong alas-9:55 kagabi ang eroplano ng Emirates Airline Flight 334 sakay ang mga nasabing manggagawang Pinoy.

Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Raul Hernandez, na nasa 1,512 OFW na galing Syria ang nakauwi sa Pilipinas.

Nakatakda namang dumating sa bansa ang 28 OFW mula sa Damascus sakay ng Emirates Airlines Flight 332 na inaasahang lalapag sa NAIA mamayang alas-3:55 ng hapon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply