55 stranded OFW mula Papua New Guinea balik-Pinas na

NAKATAKDANG bumalik sa Pilipinas ang 55 overseas Filipino worker (OFW) na naistranded sa Papua New Guinea mamayang gabi (Mayo 5).

Ayon kay Philippine Ambassador Bienvenido Tejano, darating ang mga OFW sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lulan ng Air Niugini flight PX 010 mamayang alas-8:30 ng gabi.

Batay sa ulat, mismong si Tejano ang umasikaso para makauwi sa bansa ang mga OFW na galing pa sa malayong bayan ng Manus sa Papua New Guinea.

Galing naman sa pondo ng DFA assistance to the nationals ang pamasaheng ginamit ng mga OFW pabalik ng bansa.

Nabatid na ang naturang OFWs ay hindi nakapagtrabaho sa Papua New Guinea.

Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagkaroon ng problema sa papeles ang kompanyang kumuha sa mga OFW upang magtrabaho sa barko sa Port Maresby.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply