6 na buwang buntis binarurot

DOBLENG malas ang inabot ng anim na buwang buntis na matapos iwan ng kanyang kinakasama ay pinagsamantalahan pa sa madamong bahagi ng Barangay Baluan, General Santos City.

Base sa ulat, dumulog ang biktima na itinago sa pangalang Amor sa Lagao Police Station at isinumbong ang sinapit na kahayupan sa tatlong kalalakihan.

Nabatid na isa sa mga hindi pa natutukoy na suspek ang tumawag para magpa-home service sa biktima. Ngunit nang magtagpo na sina Amor at ang kostumer ay isinama siya nito sa damuhan kung saan nag-aabang ang dalawa pang lalaki. Wala nang nagawa ang biktima nang puwersahan siyang pahigain at hubaran ng mga suspek.

Kuwento pa ni Amor, habang ginagahasa siya ng isa sa mga suspek ay nanonood lamang ang dalawa nitong kasama. Naglakas-loob ang buntis na biktima na magsisigaw kaya nataranta ang mga suspek at napilitang magsitakas.

Nabatid na ang 23-anyos na biktima ay iniwan ng kanyang ka-live-in matapos mabuntis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply