6 Taytay-pulis sinibak sa pangongotong

PINAKAKASUHAN ng administratibo ni Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo ang anim na tauhan ng Taytay, Rizal PNP Traffic Enforcment Unit dahil sa pangongotong sa mga driver ng pampasaherong jeepney at FX na may rutang Tikling, Taytay.

Bukod sa pagsasampa ng kaso, ipinalilipat palabas ng Region 4-A sina Chief Inspector Ruel C. Lacanienta, hepe ng Tikling PNP traffic sector; Police Officer 2 Harold Orfanel; Police Officer1 Ron Miranda; PO1 Daniel Igtiven; PO2 Rommel Reodique; PO1 Reylan Gumapad at PO1 Cergie Gonzales.

Ani Robredo, ang nasabing hakbang ay batay sa rekomendasyon ng kanyang Senior Police Assistant na si Sr. Supt. Francisco Penaflor, na siyang nagdala ng mga imbestigador mula sa PNP office of internal security at nagdokumento sa mga reklamo laban sa mga nabanggit na traffic police.

Bukod aniya sa halagang P8,000 “kotong” o protection money bawat buwan mula sa mga local driver ng asosasyon ay hinihingan pa umano ng karagdagang P10 araw-araw ng mga pulis ang bawat driver ng FX at jeepney na daraan sa Tikling area.

Nauna rito, siyam pang traffic police mula sa Quezon City at isa sa Capas Tarlac ang iniutos ni Robredo na sibakin dahil din sa pangongotong kung saan nabiktima pa ang isa sa kanyang pamangkin na nagkataong delegado sa nakaraang Palarong Pambansa sa Region 5.

Hiningan umano ng QCPD mobile patrol policemen na kinilalang sina SPO4 Dela Pena; SPO1 Florete; SPO4 Maala; PO3 Rimando; SPO1 Dela Peña; SPO1 Jamito; SPO2 Clemente; SPO2 Columbres at PO1 Delos Santos ng halagang P1,400 ang pamangkin ni Robredo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply