65 bahay wasak sa buhawi sa Cotabato

WASAK ang halos 65 bahay nang tamaan ng buhawi ang magkahiwalay na barangay sa Norala, South Cotabato kanina.

Nabatid na may 43 bahay ang sinira ng buhawi sa Barangay Matapol, habang 22 naman sa Barangay Simsiman.

Lumalabas na sinalanta ng buhawi ang nasabing mga barangay ng halos isang oras dala na rin ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Bukod sa mga bahay ay maraming puno rin ang nabuwal at nasirang mga pananim.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply