7-anyos na totoy hinalay ng 15-anyos na binatilyo

DESIDIDO nang sampahan ng kaso ng mga magulang ng 7-anyos na batang lalaki ang isang 15-anyos na binatilyo makaraang gahasain nito ang una sa Sapian, Capiz.

Ayon sa salaysay ni ‘Ewen’, hindi tunay na pangalan, nanonood siya sa mga naglalaro ng basketball malapit sa kanilang tahanan noong Marso 31, nitong taon nang lapitan at niyaya siya ng suspek na si ‘Yanyan’ na pumunta sa paaralan ng kindergarten sa kanilang lugar.

Dahil sa inosente pa ang biktima, sumama itong pumunta sa gusali.

Ngunit pagdating sa naturang lugar, niyayang pumasok ng suspek ang biktima sa comfort room at doon na isinagawa ng binatilyo ang kanyang maitim na balak.

Sabay na hinubad ni Yanyan ang short pants nila ni Ewen at pinasok ang kanyang ari sa puwit ng bata na siyang ikinaiyak nito na narinig pa ng mga nakatira malapit sa gusali.

Itinago ng bata sa mga magulang ang pangyayari dahil sa takot sa suspek na nagbantang huwag ipagkakalat ito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply