76ers humirit ng Game 7

NAKAPUWERSA ng Game 7 ang Philadelphia 76ers matapos manaig sa Boston Celtics, 82-75 sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) Eastern Conference semifinals kaninang umaga.

“‘Game 7,” wika ni Sixers coach Doug Collins. ”That’s all we wanted was to win tonight and give ourselves a chance to go into Boston and see what happens on Saturday.”

Umiskor si Jrue Holiday ng 20, anim na assists at tatlong rebounds upang itabla ang serye sa 3-3 sa kanilang best-of-seven second round playoffs.

Malaki rin ang inambag nina Evan Turner at Elton Brand hindi lang sa scoring pati sa mga importanteng rebounds at depensa ng Sixers.

Nagkaroon ng palitan ng baskets kaya ipinakita ni Turner ang tikas nito sa depensa at pag sablay ng kanilang kalaban ay nandyan si Brand para kunin ang rebounds kahit masasakit ang kanyang leeg at balikat.

”When you get out there, you don’t feel much,” sabi ni Brand. ”You’ve got the adrenaline flowing. You’re banging and fighting. That’s why Coach has confidence in me to play 34 minutes.”

Nagtala si Brand ng 13 points at 10 rebounds habang 12 puntos, siyam na boards at apat na assists ang kinana ni Turner.

Nakahanda naman ang Celtics sa do-or-die kung saan ay sa Boston gagawin ang Game 7.

”It’s been a tough series. It’s down to a Game 7,” saad ni Garnett na bumira ng 20 markers at 11 rebounds.. ”We’ve played well at times, they’ve played well at times. But now, we’ll take it home and see what we can do.”

Si Paul Pierce ang nanguna sa opensa ng Celtics na may 24 pts., 10 boards at tatlong assists habang si Rajon Rondo ay umiskor lang ng siyam.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply