8 biktima ng human trafficking nasagip ng PCG

DAHIL sa impormasyong nakalap ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Zamboanga , walong biktima ng human trafficking ang naisalba na patungo sana sa Jolo Sulo.

Batay sa ulat ng Coast Guard Station Zamboanga, nakatanggap sila ng report na  ang mga biktima ng human trafficking ay sakay ng M/V EQ of Asia, passenger/cargo vessel habang naka-daung sa Port ng Zamboanga  at patungo sa Bongao, Tawi-Tawi via Siasi, Jolo,  Sulu.

Agad na nagsagawa ng Mandatory Pre-Departure Inspection (MPDI) ang Boarding Team ng Coast Guard Station Zamboanga, kasama ang Coast Guard Special Operations Group, Coast Guard K9 at Field Station personnel at dito na sinagip ang walong pasahero.

Kinilala ang mga ito sina Fatima Maningiti, 25, Dante Safar, 37, Marilyn Laprisa, 22, Normina Palawag, 24, Norsita Abubakar, 25, Anisa Taha, 23, Noria Taku, 23 at Jelyn Manay, 33-anyos.

Pansamantalang dinala ang walong biktima sa Visayan Forum Foundation para sa kanilang mga salaysay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply