8 Pinoy pasok sa London Olympics

WALO na ang bilang ng Pinoy athlete na nagkuwalipika para sa darating na London Olympic Games nang maka-entra si cyclist Daniel Caluag sa BMX event bunga ng mahusay na performance sa UCI BMX World Championships na idinaos sa Birmingham, United Kingdom.

Una nang napahintulutan na lumahok ang 25-anyos na si Caluag sa 2011 Southeast Asian Games sa Indonesia pero nakatipon ng sapat na puntos at magkuwalipika sa London Games.

Sa sandaling makuha ang opisyal na ulat tungkol sa kabuuang detalye ng kuwalipikasyon ni Caluag ay ihahayag ito sa media, pero ayon sa huling ulat nakapasok si Caluag sa top 60 sa world rankings.

Hihilingin naman sa Philippine Sports Commission na mabigyan ng retro-active allowance si Caluag bilang isang “super elite athlete.”

Isinilang si Caluag sa Bulacan at nagpasyang manirahan sa Kentucky sa U.S. ang kanyang pamilya.

SI Caluag ay dating four-time top BMX rider sa Amerika.

Kasama niya ang isa pang Fil-Am na si Alex Vergara na pumang-siyam sa elite protour.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply