8 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa Kyusi

WALONG katao ang nasaktan makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan sa Quezon City kaninang madaling araw (Mayo 19).

Isinugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) sanhi ng tinamong minor injury sa iba’t ibang parte ng katawan ang walong pasaherong hindi nakuha ang mga pangalan ng isang Mitsubishi Adventure.

Bagama’t nagtuturuan sina Cipriano Cervantes, ang tsuper ng 10-wheeler dump truck (RKF-544) at ang hindi nakikilalang bus drayber ng Nova Auto Transport bus, sa kung sino ang may kasalanan, kapwa kakasuhan sila ng reckless imprudence resulting in damage to property with multiple injuries.

Sa ulat ng Quezon City Traffic Police Sector 4, naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng madaling araw sa East Avenue sa Barangay Pinahan.

Ayon kay Cervantes, hindi niya kasalanan ang pangyayari at sinabing binangga muna siya ng drayber ng bus kaya niya nasalpok ang likurang bahagi ng isang kulay maroon na Mitsubishi Aventure van na nasa kanyang unahan.

Kabaligtaran naman ang sumbong ng bus driver at sinabi na ang trak ang unang bumangga sa naturang van bago bumangga sa kanyang sasakyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply