9-anyos hinalay, itinago sa poso negro

ISINAKO bago itinambak sa loob ng poso negro ang isang siyam na taong gulang na batang babae na pininiwalaang hinalay muna bago pinatay sa lalawigan ng Leyte, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Base sa naantalang ulat na ipinarating sa Camp Crame, nitong nakalipas na katapusan ng buwan ng Abril ay bumulaga ang nakasakong bangkay ng biktimang si Mary Joy Paboyo ng Barangay Cabauhan na nasa bayan ng Pastrana ng nabangit na lalawigan.

Target na ngayon ng manhunt operation ang suspek na kinilalang si Allan Pulga, 27, na residente rin ng nasabing bayan.

Lumalabas sa insiyal na pagsisiyasat na hinalay ni Pulga ang bata bago niya ito pinatay at upang maitago ang krimen ay isinilid niya ito sa sako at saka iotinambak sa kanilang poso negro sa likurang bahagi ng
kanilang bahay.

Subalit nitong Abril 30 bandang alas-5:30 ng madaling araw ay nakita ito ng mismong ina ng suspek.

Ayon sa nanay ng suspek, laking gulat niya ng makita ang biktima na unang inulat na nawawala noong Abril 29 na nakasako at itinapon sa septic tank sa likod ng kanilang bahay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply