9-anyos utas sa kidlat, mga kaanak sugatan

PATAY ang isang 9-anyos na batang babae habang sugatan naman ang kanyang mga kamag-anak matapos tamaan ng kidlat sa Barangay, San Jose sa lungsod ng General Santos.

Sa pahayag ni Demetrio Panes Sr. kasama niya ang kanyang pamilya na nagpunla ng mais sa kanilang bukirin nang maganap ang insidente.

Ayon sa ama na si Demetrio, agad na namatay ang kanyang anak na si Marimar, 9, na idineklarang dead on arrival sa pagamutan.

Nasugatan sa pangyayari ang misis ni Demetrio na si Maritess, mga anak na sina Demetrio Jr. at Delmar.

Sugatan din ang kanyang hipag na si si Julieta Mama na kasama nilang nagtanim.

Nabatid na sumilong ang mag-anak sa bahay kubo dahil umuulan at bigla na lamang kumidlat.

Ayon kay Julieta, kasama umano siya sa mga nawalan ng malay at nang gumising ay nakita na lamang niya ang kalagayan ng iba pang kaanak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply