9 kelot kalaboso sa illegal fishing sa Ilocos Sur

KALABOSO ang siyam na lalaki makaraang mahuli dahil sa iligal na pangingisda sa Sta. Maria, Ilocos Sur, kagabi (Mayo 15).

Nakilala ang tatlo sa mga suspek na sina Jonathan Gaoat, Dionisio Gaoat at Erwin Corpuz na nahuli sa loob ng 30-ektaryang fish sanctuary.

Habang apat pang suspek ang nadakip na nakilalang sina Namnama Cabotage; asawang si Eric Cabotage; Emilie Daproza at asawa nitong si Samuel Daproza, matapos manghuli ng 60-kilo ng rubberfishes mula sa sanctuary

Base sa pagsusuri ng provincial regulatory officer sa mga isdang nahuli, positibo itong ginamitan ng dinamita.

Samantala, tiklo rin ang nagbebenta ng mga isda na nakilalang si Benjamin Dumot habang ang bumibili rin na si Rogelio Canaoay ay dinakip din.

Ayon sa pulisya, magkakasabwat ang mga ito ngunit hindi sila pare-pareho ng kahaharaping kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply