9 preso na pumuga sa Mandaluyong tinutugis

TATLONG tracker team ang binuo ng pulisya na tutugis sa siyam na preso na nakapuga sa Mandaluyong City Police station kahapon (Mayo 15).

Ayon sa Mandaluyong police, ang isang tracker team ay may 15 pulis habang ang dalawang tracker team ay binubuo naman ng tig-10 pulis.

Nakatakas ang mga preso sa pamamagitan ng paglagari sa rehas ng kulungan sa kasagsagan ng visiting hours.

Nabatid na isa sa mga preso ay sumuko na kaninang alas-12:30 ng madaling-araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply