Abogado ng HLURB utas sa tambang sa Kyusi

DEAD-ON THE SPOT ang isang abogado ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) nang tambangan sa Barangay Teachers Village, Quezon City kaninang hapon.

Kinilala ang biktima na si Atty. Leonard Jacinto Soriano.

Sa imbestigasyon, papalabas na ng HLURB office si Soriano sakay ng kanyang itim na Toyota Corolla Altis nang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin na nakaabang na pala sa kanyang paglabas.

Nang masigurong patay na ang biktima ay tumakas ang suspek.

Inaalam na ng pulisya kung ano ang motibo sa krimen.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply