Abogado patay sa ‘meningococcemia’

PATAY ang isang abogado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 6 makaraang dapuan ng sakit na meningococcemia.

Dahil dito, namahagi na ang Department of Health (DOH) ng mga gamot sa mga katrabaho at pamilya ng namatay na nakilalang si Atty. White Gallego, 43, ng Lambunao, Iloilo at head ng legal division ng DENR Reg. 6.

Si Gallego ay dinala sa West Visayas State University Medical Center makaraang makaramdam ng sintomas ng trangkaso at pagkalipas ng tatlong araw ay binawian din ng buhay.

Ayon kay Dr. Jessie Glen Alonsabe, regional epidemiologist ng DOH Reg. 6, nagbigay na rin sila ng orientation kaugnay sa meningococcemia sa mga katrabaho at pamilya ng namatay na abogado.

Ang pagkakaroon ng meningococcemia ng biktima ay base sa naging diagnose ng ospital ngunit hindi pa ito kinukumpirma ng Department of Health.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply