Abogado, pulis escort todas sa riding-in-tandem

PATAY agad ang isang abogado at police escort na kanyang kasama matapos tambangan at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Barangay Tikay, McArthur highway sa Malolos, Bulacan.

Sa ulat, kinilala ang biktima na si Atty. Lisandro Sanchez, habang ang police escort ay si PO2 Rommel Coquia, nakatalaga sa Camp Bagong Diwa.

Sa pahayag ng nakasaksi sa krimen, galing sa court hearing ang dalawang biktima nakasakay sa grey Nissan Sentra (PPE-401)  nang tabihan ng motorsiklo na sinasakyan ng dalawang suspek.

Pinaputukan ng mga suspek ng tatlong beses ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril ang dalawang biktima na naging sanhi ng agarang kamatayan ni Coquia, habang nagawa pang itabi ni Sanchez ang minamanehong kotse sa kabila ng natamong tama ng bala.

Ilang saksi naman ang nagsabi na malamang na mabubuhay pa sana si Sanchez kung naitakbo lamang agad ito sa pagamutan ng mga pulis na rumesponde.

Matatandaang ilang serye na ng pagpatay at pag-ambush ang naganap sa bayang ito sa loob lamang ng taong ito kabilang na ang pagpatay sa isang ginang na testigo laban sa Dominguez brothers na naganap malapit lamang sa kapitolyo at hindi kalayuan sa Police Sub-Station na nananatiling unsolved.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply