Absentee voting sa media iginiit ng ALAM

IGINIIT ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) sa Commission on Elections (Comelec) na makasama sa absentee voting ang mamamahayag sa May 10, 2013 midterm election.

Ayon kay ALAM Chairman Jerry Yap, maraming media ang hindi nakaboboto sa panahon ng eleksyon dahil sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Aniya, dapat payagang makaboto ng presidente, bise presidente at partylist ang mga miyembro ng media, dalawang linggo bago ang halalan sa lugar kung saan naroon ang kanilang punong tanggapan.

Dapat aniyang maipasa ang panukala sa plenary para maipatupad sa darating na halalan.

Dagdag pa ni Yap, matagal nang inirereklamo ng media na madalas silang hindi makaboto dahil naa-assign sila sa ibang lugar.

Karapatan din aniya ng mediamen bilang Filipino na iboto ang mga gusto nilang kandidato.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply