Adam Lambert bet manalo sina Jessica Sanchez at Joshua Ledet

SINABI ng American Idol season 8 alumni na si Adam Lambert sa isang panayam na gusto niyang manalo sa season 11 sina Jessica Sanchez at Joshua Ledet.

Kahit busy umano siya sa kanyang career ay hindi niya nakakaligtaang subaybayan ang kaganapan this season sa American Idol.

Hanga umano siya sa kakayahan ni Jessica kahit na 16-anyos lang ito.

Samanta, ang tema ng performance night ngayong linggo ay ang mga awitin na pinasikat ng mga British band at singers.

Hindi naman ini-reveal kung anu-ano ang napiling kantahin ng top 5 at sa Thursday (Wednesday sa US) pa ito malalaman.

Una na ring sinabi ni Idol judge Randy Jackson na dapat ibigay na nina Jessica, Joshua, Skylar Laine, Hollie Cavanagh at Phillip Phillips ang lahat kung ayaw nilang mapauwi.

May mga bet na rin si Jackson na papasok sa top 4 ngunit nasa kamay pa rin ng mga manonood at voters ang kapalaran ng mga Idol hopeful.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply