ADB Meeting natapos ngayong araw

NGAYONG araw natapos ang 45th ADB Board of Governors Meeting na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) simula pa noong Miyerkules (Mayo 2).

Kanina pormal nang tinapos ni Asian Development Bank (ADB) Haruhiko Kuroda ang business session ng mga gobernador nito.

Sa kanyang talumpati, ipinagmalaki ni Kuroda ang pagkakaroon ng matatag na ekonomiya sa Asya sa kabila ng nagaganap na global recession.

Nagpasamalat din si Kuroda kina Pangulong Benigno Aquino III at Finance Secretary Cesar Purisima dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ng Pilipinas bilang host country.

Sa susunod na taon, ang 46th ADB Board of Governors Meeting ay gaganapin sa New Delhi, India.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply