ADB Summit sinalubong ng protesta

AGAD na sinalubong ng sunod-sunod na kilos-protesta ang pagsisimula ng taunang pagpupulong ng mga kinatawan at kasapi ng Asian Development Bank sa Philippine International Convention Center (PICC) ngayon.

Dahil dito, ipinasya ng pamunuan ng Philippine National Police na ituloy ang kanilang full alert status para sa kanilang puwersa partikular na sa Kalakhang Maynila.

Ayon kay PNP  Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr. patuloy na paiiralin ang nakataas alert na alert staus ng kapulisan kaugnay sa idinaraos na ika-45th annual meeting ng Asian Development Bank  Board of Governors.

Inihayag ni Cruz na ito ay upang matiyak ang seguridad ng may tinatayang 5,000 delegado kabilang ang mga ministers at senior government officials, business leaders, finance experts at ilang civil society representatives.

Sa pagbubukas ng pagpupulong ngayon ay ilang grupo ng mga nagra-rally ang puwersahang binuwag at kinumpiska ang mga placard bunsod ng tangkang pagbarikada sa mga pangunahing daanan ng mga kinatawan bukod pa sa kawalan ng kaukulang permit ng mga demonstrador.

Tinuligsa ng mga militantneg organisasyon ang mali umanong pamamalakad sa pagapapautang ADB na sumasakal sa mga mahihirap na bansa gaya ng Pilipinas.

Bukod pa rito ang umano’y “cosmetic measure” na puwersahang ipinatupad ng Aquino government ng takpan ng mga yero at plywood ang mga daan at tulay na itinuturing na mga eyesore subalit siyang tunay na kumakatawan sa kalagayan ng bansa.

Bunsod nito ay matinding security measures ang ipinapatupad upang pangalagaan ang mga bisita kung saan bawal dumaan sa PICC ang walang pass at accreditations.

Ilan sa mga aasahang dadalo sa apat na araw na ADB board meeting ay ang pangulo ng Inter-American Development Bank, president ng Japan International Cooperation Agency, secretary-general ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), secretary-general ng South Asian Association for Regional Cooperation, CEO ng Agence Francaise de Developement, at ang chairman ng Governing Board ng Council of the Europe Development Bank.

Una rito, tiniyak ng Malacañang ang mahigpit na seguridad kaugnay sa malaking pagtitipon ng mga opisyal ng ADB sa bansa.

Kabilang naman sa kalahok sa malaking pagtitipon na magtatagal hanggang Mayo 5 sina Finance Secretary Cesar Purisma, Tourism Secretary Ramon Jimenez, Trade Secretary Gregory Domingo, BIR
Commissioner Kim Henares at iba pa.

Kasama sa maraming isyu na tatalakayin sa ADB Meeting ay kung paano makikinabang ang lahat ng sektor sa pag-unlad ng mga bansa sa Asya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply