Admin hindi solidong mako-convict si CJ

HINDI solido ang paniniwala ng administrasyong Aquino na mahahatulan at tuluyang mapapalayas sa kanyang pwesto si Chief Justice Renato Corona.

Ito ang naging paniniwala ni House Minority Leader Danilo Suarez matapos ang ginawang personal na pagtungo ni Pangulong Aquino sa Central Office ng Iglesia Ni Cristo kaninang umaga upang makipagpulong sa Tagapamahalang Pangkalahatan na si Kapatid na Eduardo Manalo.

Binigyang diin ni Suarez na hindi maganda sa paningin ng publiko ang ginawa ng pangulo na paglapit sa INC gayung papalapit ang paghatol ng impeachment court kay Corona.

Bukod pa dito aniya ay napaulat din na may ilang INC officials ang nagla-lobby diumano para sa acquittal ng Punong Mahistrado.

Ayon kay Suarez, nangangahulugan lamang ito na hindi solido ang kumpiyansa ng pangulo sa conviction ni Corona.

Ani Suarez, maaari din aniyang ipakahulugan ng publiko na ang paglapit ni Pangulong Aquino sa INC ay nangangahulugan na nais makatiyak ng pangulo na hindi magkakaroon ng swing vote sa panig ng Senator-Judges na posibleng magpawalang sala si Corona.

Sa panig naman ni House Majority Leader Neptali “Boyet” Gonzales ay iginiit niyang walang malinaw na basehan ang mga ulat na naglo-lobby diumano ang ilang INC officials para sa acquittal ni Corona.

“Numerous senators have denied that they have been, na kinausap sila ng INC, so we leave it at that, na wala akong factual basis kung ano talaga ang nangyari on the matter,” ani Gonzales.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply