AFP ‘di nababahala sa ikinaso ng Morong 43

HINDI nababahala ang Armed Forces of the Philippines sa kasong isinampa ng tinaguriang “Morong 43” laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ilang military officers ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.

Ayon kay AFP spokesman Col. Arnulfo Burgos Jr., bahala na ang Department of Justice sa kasong inihain ng mga nagsasabing medical workers na dinakip ng military sa Tanay Rizal.

Subalit nilinaw ni Burgos, tagapagsalita ng AFP na nakahanda naman silang magbigay ng legal assistance sa mga sundalong kinasuhan ng grupo ng umano ay paglabag sa Anti-Torture Act, Rights of Arrested Person at robbery.

Napag-alaman na kabilang sa mga kinasuhan sa hanay ng militar ay sina B/Gen. Aurelio Baladad, Lt. Gen. Jorge Segovia at Col. Cristobal Zaragoza.

Magugunitang matagal na napiit ang mga kasapi ng Morong 43 na tahasang sinasabi ng militar na pawang kasapi ng communist party of the Philippine- New Peoples Army na nakatakda sanang dumalo sa isang malaking pagpupulong ng kilusan.

Inaresto ng awtoridad ang 43 katao health workers sa Morong, Rizal matapos paghinalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Unang naninindigan ang AFP na walang nangyaring pagtorture sa miyembro ng tinaguriang “Morong 38” at hindi 43 dahil matapos silang palayain ay agad na bumalik sa armadong pakikibaka ang lima sa mga ito.

Naninindigan din ang militar na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang mga nasabing health workers na nagsasanay sa paggawa ng bomba.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply