Ahente ng lupa utas sa holdaper

PATAY ang isang ahente ng lupa nang pagbabarilin matapos holdapin ng dalawang suspek sa Cuenco St. kanto ng Eva St. sa Barangay Sta. Teresita, La Loma, Quezon City kaninang umaga.

Base sa mga nakasaksi, bago mag-alas-8:00 ng umaga nang maganap ang insidente kung saan naglalakad lang ang biktimang si Ricardo Santos, 75, nang lapitan ng dalawang suspek at tinangkang agawin ang bag nito.

Samantala, nakita naman sa CCTV na nanlaban ang biktima kaya’t pinagbabaril siya ng suspek, na agad tumakas at sumakay sa nag-aabang na motorsiklo malapit sa E. Rodriguez Avenue.

Napag-alaman pang kamamatay lamang ng asawa ni Santos, 40 araw bago ang pamamaril.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo at dalawang slug ng kalibre .45 na baril maging ang bag ng biktima na may lamang pera, mga cellphone at mga dokumento.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ang nasabing pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply