Aircraft bumagsak sa Davao, piloto dedo

NAMATAY ang piloto ng isang aircraft makaraang bumagsak sa Purok 7, Sitio San Isidro, Barangay La Filipina sa Tagum City, Davao del Norte kaninang alas-8:15 ng umaga.

Dead on arrival sa Bishop Reagan Hospital ang 36-anyos na si Steve Pacaldo, na nagsasagawa lang ng aerial spray sa plantasyon ng saging.

Napag-alaman pa na sira ang harapan at pakpak ng naturang aircraft na pagmamay-ari ng Sumifru Airtrack Agency.

Wala namang nabagsakan na bahay ang naturang eroplano na hinihinalang mechanical defect ang dahilan ng pagbagsak.

Patuloy namang iniimbestigahan ang naturang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply