Aksyon ni Col. Rosauro Acio vs Tupada

SALUDO tayo sa mabilis na  aksiyon ni Provincial Police Director S/Supt. Rosauro Acio sa naglipanang tupadahan sa lungsod ng Batangas.

Sa mala-kidlat na desisyon para mahinto ang tupadahan sa Barangay Pallocan, Batangas City, aba’y marami ang bumibilib s’yo, sir.

Matatandaan na ibinulgar ni Remate reporter Irish Ibon ang lantarang operasyon ng illegal cockfight sa buong lalawigan.

Ito ang naging dahilan para ipag-utos ni Acio ang paglusob sa nasabing tupadahan na nagresulta sa pagkakaaresto ng 23 katao.
Sa agarang aksiyon na ito ng colonel ay marami ang nagalak, lalo na ang licensed cockpit owners na tumutuligsa sa mga tupadahan.

Pero sana’y ang raid sa Brgy. Pallocan ay hudyat lamang ng pinaigting na police crusade laban sa mga illegal cockfight sa Batangas.

Sa ulat sa Chokepoint, may patupadahan din sa Brgy. Bulacnin sa Lipa City na ino-operate ng isang nagngangalang ‘Boyet’.

May operasyon din ng tupada sa Brgy. Tambo, malapit sa kapilya ng Iglesia ni Cristo na ang maintainer ay isang ‘Rolly’. Isang Eng’r. Acosta ang operator ng tupada sa Brgy. Sapac, Kap. Don sa Brgy. Lumbang at isang pulis sa Brgy. Pinagkawitan.

Ang nabanggit nating mga lugar ng tupadahan ay ‘tip of the iceberg’ lamang sa dami ng pasabong na nakakalat sa buong lalawigan. Nadadaya ang kaban ng kapitolyo, lungsod at bayan ng Batangas dahil sa mga tupada na ‘di nagbabayad ng buwis.

Kung nais malansag ni Acio ang tupada sa kanyang hurisdiksyon, kailangan niyang rendahan ang mga tiwaling police chief.

At h’wag din siyang susunod sa dikta ng isang ‘Tita Ofel’ na kilala rin sa tawag na ‘Aling Ofel’ at tupada at pergalan queen.

Si Tita Ofel ay maimpluwensya at pinatatanggal kay DPNP D/Gen. Nick Bartolome ang mga hepe na ‘di sumusunod sa kanyang layaw.

Kung bakit malakas kay Gen. Bartolome, aalamin natin yan.

—***—

GREETINGS

Happy birthday kay Monica (Budha) Torio na magdiriwang ng kaarawan sa Mayo 4. Ang pag-bati ay mula sa romantiko at ‘best friend” ng lahat na si katotong Marcy Bonifacio ng Mayor’s Office, lungsod  ng Malabon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply