Aktor na politiko madalas sa casino

NAKATATAWA naman itong isang aktor na politiko na matagal-tagal na rin naman sa mundo ng showbiz at pulitika. Madalas kasi ito sa casino at sa mga night clubs na class.

Kung dati-rati’y mahirap lamang siya, ngayon ay malaki na ang kita niya dahil marami silang nagagawang proyekto sa kanilang lungsod at buwan-buwan, may pera silang natatangap galing sa mga sugalan. Ang nasabing politiko ay mabait naman sa mga reporter at masarap nga siyang kasama dahil madalas libre siya sa mga malalaking club.

Pero minsan, nag-away sila ng kanyang asawa dahil natalo ito nang malaki sa isang sugalan sa Binondo, Maynila.

Ang nasabing politikong artista na ito ay madaling lapitan kaya naman gustung-gusto siya ng mga tao. Pero kapag hindi umiwas sa pagsusugal at pambabae ang politician na ‘to, malamang maghirap siya at matalo sa 2013 elections. Kaya dapat iwasan niya ang mga barkada niyang hindi magandang impluwensiya sa kanya para maging maganda ang takbo ng kanyang political career. Nakaaway rin niya ang kanyang Mayor kaya kumalas siya ng suporta rito. (Ikaw ba ‘yan pareng IM? – Ed)

****

ARAW-ARAW mapanonood ang Eat Bulaga sa Siyete at ang patok na portion nilang Juan For All, All for Juan, sugod bahay na hatid sa inyo ng Coke at Puregold. Sa rami ng sponsors, maraming Barangay sa buong Pilipinas ang natu -tulungan ng number noontime show dahil katakot-takot na pera ang pinamimigay sa mga kababayan natin. Kitang-kita naman ang tuwa ng mga contestant kapag nananalo sila kaya suportahan natin ang Eat Bulaga mula Lunes hanggang Sabado sa GMA7.

****

NAGSIMULA noong Mayo 2 ang programang Kagandahan, Showbiz, Kalusugan atbp sa DWBL 1242 KHZ kung saan magkasama sina Tito Gary P. Sta. Ana at Tita Mega C.

Mapakikinggan tuwing Miyerkules sa ganap na 2:00 hanggang 3:00 ng hapon. Nagbibigay ng mga health tip si Tita Mega C na hatid sa inyo ng Mega C Vitamin sodium Ascorbate in Veggie capsule. Sa mga gustong mag-sponsor sa radio program nina Tito Gary at Tita Mega C, tumawag lang sa #09053220041.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply