Aktor walang makain kung wala ang syotang komedyante

GUSTO nang makipagbalikan ng aktor-aktoran sa syotang komedyante dahil hirap na hirap na siya sa buhay. Oo nga’t may work pa rin naman siya sa isang TV network pero wala na raw makain ang loko. Imposible naman ‘yun. Nasanay lang kasi siyang lumafang nang libre dahil sinasagot ito ng kanyang girlfriend.

At dahil hindi nga sanay na walang sumusuporta sa kanya, pikit-mata na naman nitong inuuto-uto ang dating karelasyon para makipagbalikan sa kanya. Kawawa naman ang hitad kapag naniwala siya sa mga buladas nito.

***

Programa ng Tulfo brothers tinuluyan ng MTRCB

SA KABILA ng effort na ginagawa ng pamunuan ng TV5 para huwag madiskaril sa ere ang programang T3 Kapatid Sagot Kita, nangyari rin ang pinangangambahan nila dahil three-month suspension ang ipinataw ng MTRCB sa naturang public service program at multang P100, 000
kaugnay pa rin sa pagbabanta ng magkakapatid na sina Raffy, Ben at Erwin Tulfo sa mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Tiyak pyesta na naman ang mga kawatan, masasamang loob at mga abusadong nilalang dahil sa tatlong buwang pagpapahinga ng T3 sa ere.

“TV5 regrets the decision of the MTRCB and views it as an act in excess of its jurisdiction. At this point, TV5 will turn to the Court of Appeals and seek judgment in its pending petition to enjoin the MTRCB from further enforcing the sanctions until a definitive ruling is made on the issue of grave abuse of discretion committed by the Censorship Board,” sagot ng TV5 management.

***

Kapamilya stars, balik-eskwela ngayong Linggo sa ASAP 2012

MASIGLANG back-to-school sorpresa ang handog para sa mga estudyante ng “ASAP 2012” ngayong Linggo (Hunyo 3). Aapaw ang katatawanan at saya sa ASAP centerstage dahil sa espesyal na production number ng cast ng pinakainaabangang comedy film ng taon, ang “Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme;” at maging ng latest evictee ng “Pinoy Big Brother: Teen Edition 4.”

Samantala, lalong gaganahan ang lahat sa school year 2012-2013 sa mga pabaong makatindig-balahibong world-class performances na pangungunahan ng ASAP mainstays na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Piolo Pascual, Sam Milby, KC Concepcion, Toni Gonzaga, Luis Manzano, ASAP Sessionistas, ASAP Pinoy Champs, at ASAP Supahdancers.

Huwag mag-absent sa back-to-school party ng 2012 Gawad Tanglaw Best Musical Variety Show na “ASAP 2012” ngayong Linggo, 12:15 ng hapon sa ABS-CBN.

***

Bumigay ang young actress sa leading man

NASA isang malayong probinsya ang young actress kasama ang kanyang leading man para sa shooting ng kanilang pelikula. Bagamat magkaiba ang lahi ng dalawang bida, pansin ng mga otaw, tila may ‘something’ agad na nangyayari sa dalawa. Sobrang gwapo raw kasi ng bidang lalaki at may ‘ipagmamalaki’ talaga.

Kaya kahit nilalamok at kinakagat ng sari-saring insekto ang aktresa sa kagubatan na pinagsu-shooting-an nila ay oks lang sa kanya. Inspired siya at wala siyang pakialam sa kapaligiran.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply