Aktres tuluyan nang inaswang ng aktor

PAIYAK-IYAK pa ang aktres nang hiwalayan kuno ng aktor. Pero ang tsismis na nakarating sa amin ngayon ay ang una naman pala ang nag-iniate ng breakup para makabuwelo na sila ng kanyang leading man na madalas na nakikitang nakababad na sa kanilang bahay. Samantalang ang aktor na ex-bf nitong aktres ay umaasam na magkakabalikan pa sila. Paano mangyayari ito eh, tuluyan nang inasawang ng salawahang aktor ang huli.

Diskarteng laklakan daw ang ginagawa nito sa aktres. Pag bumibisita may dalang alak na imported? Sus Marya! Kaya pala ganun kabilis na naagaw niya sa may edad ng aktor ang siyota nito. Pinainom muna nito bago pinasagot. Hehehe!

***

Anak, kapatid at kamag-anak ng politiko ang kalaban ni Aga

SI WIMPY Fuentebella na anak ni Rep. Arnulfo Fuentebella, kapatid ng mayor ng Tigaon at kamag-anak ng mga trapo sa Partido area sa Camarines Sur ang makakatunggali ni Aga Muhlach sa darating na election.

Kungbaga sa puno, malalim na ang ugat na nakabaon sa lupa ang makakalaban ni Morning, paano niya bubunutin ‘yan?

Naku, sana naman ay hindi na magpadala sa libreng pakain na kulang naman sa sahog ang mga kababayan namin sa 4th District. Papipilahin ka pa na parang pulubi.

Kaya nung araw na ako pa ang KB chairman (ngayon ay SK), ang organisayon ng mga kabataan sa Vinagre,
Tigaon, never kaming lumapit sa mga politician. Sariling resources at initiative ang ipinatatapos namin sa aming mga proyekto. Ika nga, pag walang utang, walang maninigil. Masuwerte kayong mga kabataan ngayon dahil may pondo na para sa inyo ang gobyerno.

Kami nung araw, hanggang sa Manila nakararating ang solicitation letter namin, lumalapit kami sa malalaking kompanya, pasayaw rito, pasayaw doon at kung anu-ano pang pakontes ang ginagawa namin para makalikom ng pondo.

***

Dra. Belo sinusundan ni Hayden kahit sa bible study

NAUNANG nag-bible study si Dra. Vicki Belo. Dumalo pa siya sa bible exposition ni Manny Pacquiao. Kahit sa ibang christian community ay nakikisalamuha siya.

Nakapagtataka namang nahihilig na rin sa pag-aaral ng bibliya si Hayden Kho. Aktibo ito at katunayan ay nagpa-bawtismo na siya. Linggo-linggo ay uma-attend siya sa Christ Commission Fellowship.

At bigatin ang mga kasama nito sa kanyang bible group huh! Si Henry Sy lang naman at mga kamag-anakan nito.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan.

Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply