Akusado sa pamamaslang sa UP student na si Given Grace nahaharap sa kasong rape with homicide

CALAMBA CITY, Laguna –  Itinaas ng Calamba Regional Trial Court judge sa kasong rape with homecide mula sa robbery with homecide laban sa dalawang akusado na sangkot sa pamamaslang sa University of the Philippines-Los Baños (UPLB) coed  student na si Given Grace Cebanico.

Sa desisyon kahapon, Mayo 28, ni Judge Alberto Serrano ng Regional Trial Court (RTC) Branch 92 sa Calamba City, Laguna, kinatigan nito ang mosyon ng public prosecutor na ipalit ang rape with homecide na isang non bailable offense kaysa sa robbery with homicide.

Magugunitang dahil mababa ang sentensya, nakalalaya ng pansamantala ang mga akusadong sina Percival de Guzman at Lester Ivan Rivera.

Binatikos ng pamilya Cebanico ang umanoy mabagal na takbo ng hustisya sa kabila ng pag-amin ng dalawa na sila nga ang pumatay.

Inireset rin ng Laguna Provincial Prosecutor ang preliminary investigation sa kaso dahil sa hindi nakapagpakita sa korte ang ang mga akusado.

Dahil sa pagpapataas sa kaso sa isang capital offense at ang nakatakdang arraignment, umaasa ang pamilya ng biktima na si Given Grace na mabibigyan ng tamang hustisya ang pagkamatay nito.

Ang nasabing estudyante ay isa sa mga iskolar ng lalawigan ng Rizal.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply