ALAM: Bagong SC Chief Justice dapat ‘Mr. Clean’

DAHIL makatarungan at patas na sistema ng hustisya ang isa sa mga layunin ng Alab Ng Mamamahayag (ALAM), nakikiisa na rin ito sa paghahanap ng kwalipikadong Chief Justice para sa Korte Suprema.”Hindi pa tapos ang laban!” ito ang pahayag kahapon ni ALAM chairman Jerry Yap.

Aniya, dapat manatiling gising ang lahat kahit tapos na ang paghatol kay Chief Justice Renato Corona, dahil anumang oras ay maaaring may lumitaw na mas malaking mandarambong at mas mapanlamang sa kapwa tao.

Ani Yap, sa muling paghirang ni Presidente Benigno Simeon Aquino III ng bagong Supreme Court Chief Justice, dapat ay makapili siya ng taong katanggap-tanggap sa lahat at hindi isa na namang dating kaklase sa Ateneo de Manila.

Ani Yap, walang problema sa ALAM kung Atenista man ang mapiling chief justice na papalit kay CJ Renato Corona, ngunit dapat siya ay dapat na maituring na “Mr. Clean” dahil bubusisiin ng husto ng lahat ang kanyang pagkatao.

Dahil dito, nagtatag ang ALAM ng screening committee upang pumili ng pangalang kanilang nominado sa posisyon ng Punong Mahistrado, na isusumite sa Judicial and Bar Council ng Pilipinas.

Ang kwalipikasyong hinahanap ng ALAM ay ang mga sumusunod: natural born Filipino citizen, 40 hanggang 65 anyos, miyembro ng bar at may sapat na karanasan, hindi konektado sa sinumang politiko, hindi konektado sa anumang dominante o mayaman pamilya o korporasyon, at higit sa lahat, siya ay isang liberal giant.

Ani Yap, kinukunsidera rin ng ALAM sina acting Chief Justice Antonio Carpio at Justice Maria Lourdes Sereno para sa nasaning posisyon ngunit ilan lamang sila sa marami nilang pagpipilian.

Idinagdag naman ni ALAM President Berteni Causing na bukod sa mga nabanggit na kwalipikasyon ni Yap, ang susunod na chief justice ay dapat nagtataglay ng CIPI, na ang ibig sabihin ay competence, integrity, probity at independence.

Sinabi pa niyang ayon sa batas, kahit sinong miyembro ng bar ay maaaring maging punong mahistrado, kaya kahit kahit hindi kilalang mga abogado ay maaaring mahirang kung kwalipikado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply