Alamin mo: Mga dahilan at remedyo ng teeth grinding

NAKAKITA ka na ba ng taong kahit walang kinakain ay parang may nginunguya pa rin o parang may dinudurog sa bibig?

Nakakairita dibang pakinggan kapag nagkikiskisan na ang kanilang ngipin?

Pero sa totoo lang, hindi sila dapat kainisan, dapat ay intindihin ang kanilang kalagayan lalo na at nasa sitwasyon sila na nagiging sanhi ng nasabing sitwasyon.

DAHILAN NG TEETH GRINDING

Noon ang hindi pantay na ngipin o ang malocclusion kung tawagin ang itinuturong dahilan ng teeth grinding.

Pero ngayon, ang pagkaranas ng stress na ang sinisisi at sinasabing dahilan kung bakit nangyayari ang teeth grinding  o bruxism sa ibang termino bilang habit.

Ang teeth grinding naman sa gabi ay indikasyon din na hindi sapat ang tulog ng isang tao.

Sunod sa dahilan ay ang lahi at kasarian.

Kung ang mga magulang mo ay nagti-teeth grinding, malamang manahin din ito sa kanila.

Nakararanas nito ang mas maraming babae kaysa sa mga lalaki.

PROBLEMANG DALA NG BRUXISM

Kapag hindi kontrolado ang pagnguya, nawawala ang tooth enamel dahilan para maging sensitive ang ngipin at magkaroon ng tooth decay. Magastos para sa dental work.

Nakakangalay din sa panga ang teeth grinding. Kung nangyayari ito sa gabi, sigurado sa umaga ay masakit na ang ngipin mo, masakit pa ang panga mo. At sa katagalan ay pwedeng mauwi sa pagkasira pa ng ngipin, gums at jaw joint.

Kumpara sa pagnguya, mas delikado kung parang may dinudurog o iniipit ang ngipin. Ang panga ay para sa normal na pagnguya hindi sa abnormal na pagdurog.

REMEDYO

Maaaring gumamit ng night guard o magpasuri muna sa inyong dentist. Kung matutulogna, maiging lapat nang maayos ang likod sa kama.

Makatutulong din ang pag-inom ng maligamgam na gatas o tsaa bago matulog para relax ang katawan.

Iwasang uminom ng alcoholic drink.

Makatutulong din ang pag-take ng magnesium o calcium supplements.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply