Albie Casino desididong kasuhan ang mga gumulpi sa kanya

SINABI ng young actor na si Albie Casino na desidido siyang sampahan ng kaso ang mga bumugbog sa kanya sa isang bar sa Makati City, noong nakaraang Sabado ng madaling araw.

Ayon sa ulat, mga kaibigan ng ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann ang nanakit sa aktor sa parking lot ng isang bar sa Makati.

Bago ang pambubugbog, sa loob ng bar ay binuhusan ni Andi si Albie ng wine sa mukha at saka sinampal.

Ayon sa aktor, hindi niya nakita si Andi at mga kasama nito dahil nagte-text siya, nagulat na lamang umano siya ng may nambuhos sa kanya ng wine at sumampal sa kanya at nang tignan niya ay ang dating dyowa pala ang may kagagawan.

Pagkatapos umano noon ay agad na nagtungo si Albie sa restroom para linisin ang sarili at nagdesisyon na umuwi na lamang, ngunit sa parking lot ay sinundan siya ng tropa ni Andi at ginulpi at pinalo ng bote ng wine sa ulo.

Sa ngayon ay patuloy ay pagtuturuan ng magkabilang kampo sa kung sino ang nagsimula ng gulo.

Sina Albie at Andi ay dating magkasintahan. Si Albie ang itinuturo ni Andi na ama ng kanyang anak, na unang pinagdudahan ni Albie.

Bago ang bugbugan nitong weekend ay unang napaulat na nagkaayos ang dalawa kamakailan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply