Albie Casino ginulpi ng tropa ni Andi Eigenmann?

GINUPI umano ng barkada ng aktres na si Andi Eigenmann si Albie Casiño sa isang bar sa Makati City.

Ayon kay Rina Casino, ina ni Albie, nagkaharap daw ang kanyang anak at si Andi sa Fiamma bar sa nasabing lungsod.

Una umanong nagkaroon ng komprontasyon ang dalawa at sinasabing sinabuyan ni Andi ng wine ang aktor at saka sinampal.

Sinabi pa ni Ginang Casino, na nilinis ni Albie ang sarili sa restroom at niyaya ang mga kaibigan na lisanin ang lugar para maiwasang lumala ang sitwasyon.

Nang nasa parking lot na ang aktor, sinugod umano ito ng tropa ni Andi na binubuo nina Frank Magalona, Carlos Concepcion, Neil Arce at isang Lacson.

Hinampas umano ng bote ng wine sa ulo si Albie ng isa mga ito.

Kasalukuyang nasa ospital si Albie at nagpapaeksamin.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply