All branch ng Novo Jeans and Shirts ipinasusuri ng DOLE

IPINASUSURI ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz sa lahat ng regional directors ng DOLE ang lahat ng sangay ng Novo Fabulous Jeans and Shirts sa buong bansa kasunod nang naganap na sunog sa branch nito sa Butuan City, ikinamatay ng 17 saleslady.

Ayon kay Baldoz, layon nito na hindi na maulit ang kaparehong insidente at mapangalagaan ang mga empleyado.

“As part of our duty to prevent a case similar to the Novo fire incident, I direct you to immediately conduct a comprehensive inspection of all the stores of the subject establishment, with focus on workers’ occupational safety and health.” Bahagi ng nakasaad sa kautusan ni Baldoz.

Sinabi pa ng kalihim na ang inspeksyon ay kung ang lahat ng branch ng Novo ay mayroon ding live-in quarters para sa kanilang mga empleyado tulad ng sa Butuan branch at kung nakakasunod sa general labor standards and occupational health and safety standards.

Mahigpit din ang paalala ng kalihim na dapat makipagtulungan ang inspection team sa lokal na pamahalaan.

Kasabay nito, sinabi ni Baldoz na minamadali na nila ang proseso ng pagkuha ng 372 bagong labor inspectors.

Samantala, dalawang establisyimento naman sa Butuan City na Latest Fashions at Langihan General Merchandise na sinuri rin ng DOLE ang nakitaan ng ilang paglabag sa health and safety standards, tulad ng kawalan ng tamang bentilasyon, ilaw, daanan para sa entry at exit, faulty electrical wiring, kawalan ng fire safety equipment, at iba pa na itinuturing na mapanganib at hindi ligtas para sa buhay ng mga naroon.

Kabilang sa rekomendasyon ng inspection team ay i-evacuate ang mga empleyado at i-renovate ang living quarters ng mga ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply