Ama tigok sa tarak ng anak

DEAD on arrival sa pagamutan ang isang ama matapos itong saksakin ng kanyang sariling anak sa lalawigan ng Pangsinan, base sa ulat na nakarating sa Camp Crame.

Ayon sa ulat naganap ang insidente sa Barangay Magsaysay sa lungsod ng Alaminos sa nabangit na lalawigan.

Kinilala ang biktima na si Alejandro Tumugdan, habang tinutugis naman ngayon ng mga awtoridad ang suspek na si Leo Lex Tumugdan, 20, na mabilis na tumakas matapos ang pamamaslang.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, nag-inuman pa umano ang biktima at ang kanyang anak para pag-usapan ang lumalalang alitan ng asawa ng suspek at kapatid nitong babae.

Bigla na lamang umanong nauwi sa mainitang pagtatalo ang pag uusap ng mag-ama hanggang bigla na lamang umanong sinaksak ng suspek ang kanyang tatay.

Tinangka pang isugod sa pagamutan ang matanda subalit idineklara na itong dead on arrival ng kanyang doktor.

Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente at kasabay ng manhunt operation na ikinasa laban sa tumakas na salarin na naharap ngayon sa kasong parricide.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply