American Idol finale nagsimula na

OPENING pa lang ay bongga na ang American Idol season 11 finale.

Binuksan ang programa ng isang production number mula sa mga dating contestant ng nasabing season na kinabibilangan nina Hollie Cavanagh, Skylar Laine, Colton Dixon, Joshua Ledet, Elise Testone at iba pa.

Agaw-eksena naman ang beauty ever ni Idol Judge Jennifer Lopez na balitang aalis na nga bilang hurado ng nasabing kompetisyon.

Ibinunyag din ng mahusay na host ng AI na si Ryan Seacrest na nakapagtala ng panibagong rekord ang botohan ng kompetisyon matapos na makakuha ng 132,000,000 votes.

Isang energetic na performance naman ang ibinahagi ni Idol top 3 Joshua Ledet kasama ang idolo niyang si season 6 winner Fantasia Barrino.

Inaasahan pa ang performance ng ilang bigating celebrity gaya nina Rihanna at Jennifer Holliday.

Ilang sandali na lang at papangalanan na ang mananalo at makapag-uuwi ng titulong American Idol season 11. Sino kaya kina Jessica Sanchez at Phillip Phillips?

Abangan!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply