AMLC chief gigisahin sa dollar account ni Corona

IPATATAWAG ng Senado ang executive ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang mapiga kung bakit napasakamay ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang “intelligence report” hinggil sa82 dollar accounts ni Chief Justice Renato Corona.

Ayon kina Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Sen. Joker Arroyo, lubhang nakapagtataka kung bakit napasakamay kaagad ng Ombudsman ang naturang intelligence report nang walang court order.

“Bakit napasakamay kaagad ng AMLC ang dollar account ni Corona nang humingi ng tulong ang Ombudsman noong Abril samantalang batay sa bagtas, kailangan munang makakuha ang AMLC ng court order bago busisiin ang bank records,” ayon kay Marcos.

Dahil dito, nangangamba rin si Arroyo na baka magamit sa political harassment ang AMLC laban sa mga kritiko ng administrasyon.

Sa kanyang pagkadismaya, isusulong naman ni Arroyo sa session ng Senado ang pagtalakay sa paglalagay ng probisyon sa AMLC laban sa ganitong pagkilos ng Ombudsman at mismong ahensya.

Dahil dito aminado si Sen. Teofisto Guingona III, na magigisa sa Senado si AMLC executive director Vicente Aquino dahil sa naging papel nito sa kaso ni Chief Justice Corona.

Magugunitang kahapon, kinwestyon ni defense lead counsel Justice Serafin Cuevas ang proseso ng Ombudsman sa pangangalap ng impormasyon sa dollar accounts ng punong mahistrado na aniya ay naglalaman ng $12 million mula sa 82 accounts sa limang bangko.

Kanina ay ipinagpatuloy ni Ombudsman Morales ang power point presentation nito kasabay ng cross examination ng prosekusyon sa impeachment trial.

Hindi pa matiyak kung maipresenta ngayong linggo ng depensa si Chief Justice Corona lalo at may nakapila pang mga testigo maliban sa kanya.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply