Anak ng Carcar City mayor inutas sa party

DEAD ON ARRIVAL sa pagamutan ang anak na lalaki ng Carcar City Mayor sa Cebu matapos barilin sa ulo habang nakikipagsaya sa isang pagtitipon kaninang madaling-araw sa ulat na nakalap ng PNP.

Base sa impormasyong ibinahagi ni PNP Spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., pinaslang si Carl Vinsun Apura, 25, anak ni Carcar City Mayor Nicepuro Apura habang nakikipag-party sa Barangay Upper Tubod, Carcar City.

Nabatid na huling nakitang buhay ang batang Vinsun na nakikipagsayaw sa isang magandang dalaga na kinilalang si Joy Lañas bago binaril sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin.

Tinangka pang isugod sa Carcar City District Hospital ang binata subalit ideneklara ring patay dahil sa malalang tama ng bala ng baril.

Sa imbestigasyon, kabilang sa mga anggulong sinisilip ng
awtoridad ay personal na away  o selos.

Nabatid din na noon lamang nakilala ng babae ang binatang anak ng mayor na ipinakilala lamang sa kanya ng isang kaibigan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply