Anak ng mayor tinodas ng sariling bodyguard

PALAISIPAN pa rin sa La Union Provincial Police Office ang tunay na dahilan sa pagpatay ng isang bodyguard sa anak ng dating alkalde sa ulat ng pulisya ngayong araw.

Kinilala ang biktima na si Pio Balaoguing, 41, ng Brgy. Duplas, Pugo at anak ni dating Pugo Mayor Orlando Balaoguing.

Dead-on-the spot ang batang Balaoing sanhi ng limang tama ng punglo sa katawan mula sa hindi pa nabatid na kalibre ng baril na ginamit ng kanyang bodyguard na si Orly Padillo, 34.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng mas malalim na pagsisiyasat ang binuong task force ng La Union Provincial Police office hinggil sa pamamaril ng suspek sa anak ng ex-mayor.

Napag-alaman na mismong ang dating alkalde naman ang naghatid sa mga pulis sa suspek na si 34 nabanggit na bayan.

Nangyari ang insidente sa mismong compound ng pamilya Balaoguing.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply