Anak todas, tatay na kagawad sugatan sa ambush sa Zambo

DEAD-ON-THE SPOT ang anak ng isang barangay kagawad, habang sugatan naman ang huli nang ambusin ng hindi nakilalang mga lalaki sa Zone 4, Barangay Muti, Zamboanga City.

Kinilala ang namatay na biktima na si Udi Amajad, habang ang nasugatan na kagawad ay si Abdel Amajad.

Sa report, binabaybay ng mag-ama ang highway ng nasabing lugar sakay ng kanilang motorsiklo nang bigla pagbabarilin ng mga armadong suspek.

Nakuha sa lugar ng insidente ang maraming basyo ng bala at isang magazine na puno ng mga bala mula sa M16 armalite rifle.

Sa imbestigasyon, lumalabas na paghihiganti ang motibo sa krimen.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply