Jessica Sanchez muling nakakuha ng standing ovation

BONGGA talaga ang Filipino-American na si Jessica Sanchez na muling nakakuha ng standing ovation mula sa tatlong Idol Judge na sina Randy Jackson, Jennifer Lopez at Steven Tyler sa ikalawang round ng performance night ngayon (umaga sa Pilipinas) sa American Idol.

Inawit ni Jessica ang pamosong kanta ni Jennifer Holliday na “And I’m Telling You I’m Not Going” para sa temang “Songs You Wish You Have Written.”

Nakakapanindig-balahibo ang rendition ng 16-anyos na half Pinay sa nasabing kanta na muling nagpalitaw sa kanyang kahusayan kung biritan ang pag-uusapan.

“(This is) one of the hardest songs in the world to sing but you slayed it.” namamanghang wika ni Jackson.

Sa unang round kung saan kinanta niya ang “Steal Away” ni Etta Jones ay humanga at puro positibo rin ang komentong nakuha ng dalagita.

Bago ang performance night ngayon, sinabi ni Jessica na kakanta siya ng dalawang “big song” kasabay nang pag-amin na nahirapan siyang pumili ng kakantahin ngayong week dahil na rin sa mga request at payo sa kanya na “ito at ganyan” ang kantahin.

Narito ang kinanta ng iba pang finalist sa round 2:

Phillip Phillips – Volcano
Joshua Ledet – It’s a Man’s Man’s Man’s World
Hollie Cavanagh – I Can’t Make You Love Me

Sa duet round, nagustuhan ni judge Steven Tyler ang rendition nina Phillip at Joshua sa “This Love” ng Maroon 5.

Sinabi naman ni Jennifer Lopez na hindi pangit at hindi rin maganda ang version nina Jessica at Hollie ng “Eternal Flame” ng The Bangles kahit pa todo-birit ang dalawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply