Andi Eigenmann ‘di maka-move on sa tragic outcome ng relasyon nila ni Albie Casino!

ISA na namang iskandalo ang nangyari sa paboritong bar ng mga celebrities ang Fiamma Bar-Makati. Madalas ring may nagaganap na senaryo rito at ang pinakahuli”y ang pambubugbog diumano kay Albie Casino nitong madaling-araw ng May 5, Sabado.

Ayon mismo sa kuwento na nakarating kay mommy Rina (na nagkataong nasa out-of-town silang asawa no’ng maganap ang kaguluhan sa bar), nasa loob na ng Fiamma Bar sina Andi Eigenmann with 4 male friends(Jeck Jeck Lacson, anak ni Sen. Panfilo Lacson, Frank Magalona, anak ni Pia sa una, isang nagngangalang Concepcion at isa pa).

Late nang dumating (before midnight Friday) si Albie kasama ng dalawang barkada at tiyempong napadaan sina Albie sa umpukang naroon ang ex-gf with male friends nang bigla na lang nitong sabuyan ng alak si Albie. Hindi pa nakuntento, sinampal niya ang bagets na aktor sa harap ng maraming tao na ikinapahiya siyempre ng biktima.

Dahil may breeding, galing sa buena-familia at nag-aaral sa La Salle, dinedma na lang nito ang pambabastos sa kanya at dumiretso sa restroom para ayusin ang dumi sa damit. Sumunod ang dalawang kasama ni Albie sa restroom at sa halip na sabihang gumanti, they were instructed to proceed sa parking lot at umuwi na lang. Kung hanap-away lang si Albie ng mga oras na yon, sa tinamong pambabastos mula sa ex, baka nagkaroon ng mas ma -lalang senaryo sa loob ng bar.

Anyway, no’ng papasakay na sa kaniyang kotse ang bagets, kasunod na rin pala nila ang apat na kasamahan ni Andi at walang sabi-sabi o ni ha, ni ho, biglang inupakan si Albie. May dala-dalang bote ang isa at sa ulo ng aktor ito tumama kaya’t dumaloy ang dugo sa ulo nito. Sa mukha, sa dibdib inupakan diumano nina Jeck Jeck, Frank at dalawa pang kasama ang aktor.

Mabuti na lang daw at bukod sa dalawang kasama, may iba pang umawat sa kaguluhan. Ganunpaman, hindi na gumawa pa ng eksena sina Albie, imbes, dumiretso na ito sa Makati Medical Center for check-up. After  treatment sa tinamong injuries, pinauwi din si Albie ng kanyang mga doktor at sinabihang mag-rest muna.

Uuwi ang mag-asawang Casino from their out-of-town at saka magpa-file ng blotter sa presinto ng Makati kung saan naganap ang iskandalo.

Balitang magkakaroon din ng legal action para pakasuhan ang mga nambugbog sa anak at baka pati si Andi ay masangkot sa gulo kapag napatunayang may direktang kinalaman sa nangyari.

—@@@—

NAPAKAMETIKULOSONG direktor talaga itong si Direk Chito Rono. Sa eksenang pinapatay ni Ynez Veneracion si Allan Paule, hindi mabilang kung ilang ulit kinunan ang nasabing eksena.

Mayroon kasing crowd scene at ang mga kasali ay nag-o-over-acting minsan. Lalo na noong habulin ng mga barangay tanod si Ynes after nitong tarakan ng samurai si Allan. Hinabol si Ynez sa bodega at dito siya nakorner ng taumbayan. Sabi nga ng isang assistant director, “Kung makasigaw ka naman (sa isang talent-extra) parang nanay mo si Ynez!” na ikinatawa ng lahat.

Kasama rin sa eksenang “patayan” ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto at Pokwang at isa sila sa kasamahan sa crowd scene. ‘Yun tuloy, nadamay ang dalawa, pero ang ipinaulit ni Direk Chito ay ang habulan ng taumbayan kay Ynez na naghahabol ng patayan.

Sa July na ang showing ng The Healing at siguradong aabangan na naman nito hindi lang ng Vilmanians kundi ng buong sambayanan.

—@@@—

GOING back to Andi Eigenmann, hindi pa kaya nakaka-movoe-on itong anak ni Jaclyn Jose sa nakarelasyong si Albie Casino? After kasi nitong magsilang ng sanggol without the benefit of marriage, paulti-ulit nitong sinasa-bi sa mga interbyu niya na naka-move-on na siyo. Na okay na sa kanya ang lahat-lahat at blessings naman daw ang bigay ng unwanted pregnancy nito.

Kung ganun, bakit nagdidilim pa rin ang paningin nito everytime na nakikita ang ex na dyowa?

Ano kaya ang hinahabol-habol ni Andi at hindi nakalilimutan sa nakarelasyong bagets actor? Your guess is as good as mine!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply