Andi inaming sinampal, binuhusan ng wine si Albie

INAMIN ngayon ni Andi Eigenmann na sinampal niya at binuhusan ng wine si Albie Casino sa isang bar sa Makati City kagabi (Mayo 4).

Anang aktres, bumalik sa kanyang ala-ala ang ginawa ng aktor at nasaktan daw siya kaya hindi napigilan ang sarili at sinampal ang dating dyowa.

Gayunman mariing itinanggi ng aktres na may kinalaman siya sa pambubugbog sa dating kasintahan.

Ani Andi, nasa loob siya ng bar ng mabatid na ginugulpi ang aktor.

Nang malaman na ginugulpi ang aktor sa parking lot ay tumakbo pa umano siya patungo roon ngunit minura siya ni Albie at tiningnan ng masama na akala daw nito ay may kinalaman siya sa pambubugbog dito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply