Ang bagman ni Abalos, bow!

KUNG may dapat sisihin kung bakit hindi nakakukuha nang magandang treatment at simpatiya sa media si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos ay walang iba kundi ang kanyang pagador o bagman.

Laman kasi ngayon ng usap-usapan ng mga reporter na naka-assign sa Eastern at Southern Police District beats ang tauhang ito ni Abalos dahil sa walang patumanggang pambubukol.

Alam naman nating lahat na nakakulong si Abalos dahil sa election fraud case na isinampa laban sa kanya, kasama si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na gaya niya ay naka-detain din.

Dahil senior citizen na si Abalos dapat sana ay makakuha siya ng simpatiya mula sa mga reporter para naman pag lumabas ang istorya o litrato niya sa mga diaryo ay maawa rin sa kanya ang mga ordinaryong mamamayan.

Pero dahil sa sobrang pagiging tuso ng bagman ni Abalos ay hindi siya makakuha ng tinatawag na “good press.”

Sa halip, madalas ay nababaligtad pa ang istorya at ang resulta ay nababawasan ang bilib sa kanya ng mga ordinaryong mamamayan lalo na ng mga kababayan niya sa Mandaluyong na matagal din niyang pinagsilbihan.

Bagama’t kilala si Abalos sa pagiging “karatista” na ibig sabihin ay hindi kuripot, nasisira ngayon ang imahe niya dahil sa sobrang pagiging ganid ng bagman niyang ito.

Mantakin ba naman na ang budget palang kinukuha ni bagman ay P5K bawat isang reporter kada isang media coverage.

Pero ang ginagawa ng kumag na ito ay tinatariya niya nang tig P2K na lang sa mga taga broadsheet at tig P500 na lang ang nakararating sa mga fotog at taga tabloid at radyo.

Susmaryosep! Grabe naman pala kung mambukol ang taong ito.

Sobrang dobleng laki pa ang kinikita niya keysa sa mga reporter na totoong nagtatrabaho at nagpapakahirap para sa amo niya.

At dahil sa lakas mambukol ni bagman ay apektado tuloy ang kanyang bossing na hindi na nakakukuha ng magandang treatment mula sa media.

Kaya dapat lang na habang maaga pa ay sibakin na ni Chairman Abalos ang tao niyang ito na balita ko ay mahilig pa namang magdasal.

Nagagawa mo pa bang mag-dasal niyan Mr. Bagman kahit sobrang pambubukol ang ginagawa mo sa mga reporter?

Mahiya ka naman!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply