Ang dapat na lider

SA pag-ikot ko muli sa mga barangay ng Quezon City ay madalas akong tanungin kung sino dapat ang iboto sa mga nababalitaang tatakbo sa 2013.

Matagal pa naman ang halalan pero ngayon pa lang ay marami na ang mga lumulutang na pangalan.

Madali namang sagutin ang tanong na ‘Sino dapat ang iboto?’

Ang mahirap sagutin ay ang tanong na ‘Bakit siya ang dapat iboto?’

Ano ano bang katangian ang hinahanap o dapat hanapin sa isang lider?

Minsan ay nagsimba ako kasama ng mga kaibigan ko sa high school.

Nagkataon na ang nag-misa ay isang school mate at ngayon ay Parish Priest ng Immaculate Concepcion, si Father Aries Sison.

At sa kanyang homily ay nakapulot ako ng katangian na dapat sa isang lider. Dapat ay isa siyang “SHEPHERD” o  taga-alaga ng tupa.

Ang pagiging taga-pag-alaga ng tupa ay paboritong imahe ng pagiging lider sa Biblia.

Hindi dahil mataas na puwesto ang pag-aalaga ng tupa kundi dahil lumalabas ang kahusayan ng isang tao sa pag-aalaga ng tupa.

Sinasabing ang tupa ay mahinang hayop.

Kapag may nagtatangka sa kanyang buhay ay wala itong lakas na lumaban at luluha na lamang kapag namatay.

Kaya naman nakadepende ang mga tupa sa mga taga-alaga. Kapag mahusay at may malasakit ang taga-alaga magiging mabuti ang kalagayan ng mga tupa.

Kung pabaya naman ang taga-pag-alaga, asahan mo na maraming tupa ang maliligaw at malalapa ng mga mababangis na hayop.

Kaya’t inihahalintulad ng Diyos sa taga-pag-alaga ng tupa ang kanyang pangako “I MYSELF WILL BE THE SHEPHERD OF MY SHEEP AND I WILL MAKE THEM LIE DOWN. SAYS THE LORD GOD. I WILL SEEK THE LOST, AND I WILL BRING BACK THE STRAYED AND WILL BIND UP THE INJURED AND I WILL STRENGHTEN THE WEAK…….. I WILL SET UP OVER THEM ONE SHEPHERD, MY SERVANT DAVID, AND HE SHALL FEED THEM AND BE THEIR SHEPHERD. (EL 34:15-16,23)

At handang mag-alay ng kanyang buhay ang mabait na taga-pag-alaga ng tupa “I AM THE GOOD SHEPHERD. A GOOD SHEPHERD LAYS DOWN HIS LIFE FOR THE SHEEP (John 10:11)

Ang ganitong lider ang kailangan natin.

Hindi lang handang mamuno kundi may malasakit at pagmamahal sa nasasakupan. Handang ialay ang sarili para sa kapakanan ng bayan.

Kaya naman isa sa mga kataga sa “Prayers of the Faithful” ay GRANT THAT THOSE IN PUBLIC OFFICE MAY BE SHEPHERDS TO THOSE ENTRUSTED TO THEIR CARE, PLACING THE WELFARE OF OTHERS, BEFORE THEIR PRIVATE INTEREST AND PERSONAL COMFORT.

Unahin nawa ng mga nakaupo at uupo sa katungkulan ang kabutihan ng nakakarami bago ang sarili. Ang taga alaga ng tupa ay sisiguraduhin muna na busog ang kanyang mga tupa at nakasilong na sa lilim bago ito magpahinga. At kung sakaling may isang nawala at naligaw, hahanapin pa rin siya ng taga pag alaga dahil bawa’t isang tupa ay mahalaga sa kanya.

Sa batas ay hiwalay ang simbahan sa Estado (Separation of Church and State). Hindi sinabi na dapat magkalaban, kung hindi hiwalay lamang. Upang may paggalang sa isa’t isa at puwedeng magkatulungan at hindi mag iringan.

Kailangan natin ang turo ng simbahan sa nais manungkulan. Lalo na sa lider na dapat pagpilian.

Matapos ang misa ni Father Aris ay nagkwentuhan kami mag school mate. Natanong niya ako kung tatakbo ako sa 2013. At sinabi ko kay Father na ihahanda ko muna ang aking sarili na maging mahusay at may malasakit na taga pag alaga ng tupa. Ngumiti si Father Aris.

God Bless.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply