Ang dollars ni Corona

AYAW ilahad ni Chief Justice Renato Corona ang kanyang dollar accounts sa kabila ng kanyang pangako na isasapubliko niya ang kanyang kayamanan sa “takdang panahon.”

Ang kanyang mga abogado naman, na pinamumunuan ni Serafin Cuevas, ay pinipigil si Corona na magsalita tungkol sa kanyang statement of assets, liabilities at net worth.

Kung totoong walang katotohanan na hindi niya dinaya ang kanyang SALN at totoong wala siyang dollar account, bakit siya pinipigilan ng sarili niyang mga abogado na ilahad sa bayan ang katotohanan?

At bakit si Corona mismo ay ayaw humarap sa impeachment court upang pasubalian ang mga bintang sa kanya ng Kongreso?

Simple lang naman ang hiling ng bayan kay Corona, na sabihin sa impeachment court kung may katotohanan ang mga paratang sa kanya. Mahirap ba yan?

Mahirap nga siguro at dahil diyan ay sari-saring kuro-kuro ang namumuo sa isipan ng bayan, mga kuro-kurong si Corona ay totoong nandaya sa kanyang SALN na may parusang kriminal ayon sa batas.

May mga senador na malamang ay naniniwalang dapat ibasura ang mga impeachment complaint against Corona leading to his acquittal.

Kung makapag-iipon pa ng mas maraming senador na boboto sa acquittal ni Corona ay mananatili siyang chief justice hanggang sa kanyang retirement.

Ganunpaman, magiging isang effective justice pa ba si Corona? Sa palagay ko ay hindi na.

Nabahiran na kasi ang kanyang honor and dignity at marami na ang hindi maniniwala sa anomang desisyon na kanyang isusulat bilang mahistrado.

At paano na kaya ang magiging kapalaran ng mga abogadong tumayo bilang prosecutor against the chief justice?

Magiging patas ba si Corona kung sakaling ang mga ito ay humarap sa husgado sa tuwing may kaso ang kanilang mga kliyente? Kawawang mga abogado. Malamang na lagi
na lang silang talo sa kaso.

Magiging biased na ang Supreme Court against the prosecutors and private lawyers.

Upang maiwasan ito ay dapat na talagang mag-resign na lang si Corona, now na, para ang tiwala ng tao sa hustisya ay hindi mawarat, sinungaling man siya o hindi.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply