Angara hindi mag-i-inhibit sa Corona trial

TUMANGGI si Sen. Edgardo Angara sa manipestasyon ni Chief Justice Renato Corona sa pamamagitan ng abogado nito na mag-inhibit siya sa impeachment trial sanhi ng “conflict of interest.”

“”I won’t inhibit myself period. It is our constitutional duty to performed our task as senator-judge in an impeachment trial. Besides, i have nothing to do with the appointment of my son (Quezon Rep. Sonny Angara) as spokesperson of the House prosecution panel,” ayon kay Angara.

Sinabi ni Angara na walang basehan ang argumento ng defense panel sa panawagan na mag-inhibit siya sa paglilitis ni Corona.

“The grounds laid down by the defense panel for conflict of interest is baseless,” giit ni Angara.

Una, sinabi niya na hindi naman partido ang kanyang anak na si Quezon Rep. Sonny Angara at magkakaroon ng benepisyo sa anumang magiging resulta ng paglilitis kay Corona.

Sinabi pa ni Angara na nakapagtayo ng paglilitis kay Corona ng matibay na firewall sa pagitan niya at kanyang anak para sa family binding upang mapanatili ang kahalagahan at maigalang ang paglilitis at mabura ang pagdududa na nagkakaroon sila ng sabwatan.

“For the last 5 months, the impeachment trial has caused a barrier for the family bonding. We have not talked nor consulted each other on the impeachment trial,” paliwanag ng mambabatas.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Manuel “Lito” Lapid na kung siya si Angara, hindi siya magpapadala sa pressure ninuman tulad ng panawagan na mag-inhibit siya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply