Angara ipinagtanggol ni Senate pres. Enrile

IPINAGTANGGOL ni Senate Presiding Officer at Senate President Juan Ponce-Enrile ang kapwa senator-judge niya na si Sen. Edgardo Angara kaugnay sa inihaing motion to inhibit ng Defense Panel laban dito.

Anang Senate President hindi sapat na dahilan para mag-inhibit ang senador dahil lamang anak nito si Rep. Sonny Angara na tagapagsalita ng House Prosecution Panel.

Pinayuhan pa ni Enrile ang depensa na pagtuunan na lamang ng pansin ang pagtatanggol sa punong mahistrado kaysa ang pagpapa-inhibit sa senador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply