Angelica todo iyak nang i-announce in public ni Derek ang kanilang break-up

RED CARPET premiere ng pelikulang Every Breath U Take sa SM Megamall, na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban, nung isang araw nang i-announce naman ni Derek Ramsay sa kanyang Twitter account ang breakup nila ng dalaga.

Todo iyak si Angelica at hanggang sa naturang premiere night ay hindi ito makausap. Kahit sinong reporter ay hindi nito pinagbigyan na siya’y ma-interview. Kaya puro si Derek lang ang katsang nang katsang. Ibinando na yata ng balbuning aktor sa lahat ng news program ng TV5 ang hiwalayan nila ng Kapamilya star.

Kahit sa cast party na ginanap sa Pizza Hut Bistro ay walang imik pa rin si Angie.

Di Bale, nandyan naman si John Lloyd Cruz para i-comfort siya. Hehehe!

***

Sa girl o boy?
Charice luhaan sa pag-ibig

AYON kay Charice Pempengco, hindi raw siya nagpapalagay ng tattoo sa katawan nang walang meaning. May pinaghuhugutan daw ito sa kanyang buhay. Kagaya nung nauna niyang tattoo sa kanyang left forearm na ‘Love eternally’, yun ay patungkol sa walang hanggang pagmamahal niya sa kanyang namayapang ama.

Samantalang dito sa pangalawa niyang pinaukit sa kahabaan ng kanyang kamay ay nakasaad ang mga katagang, “I never knew to love until someone broke my heart.” Hindi niya binanggit kung kanino niya ito pinatutungkol pero parang may kaugnayan din daw sa tatay nito. Maaring nung una raw ay hindi nito naramdaman ang pagmamahal sa huli dahil lumaki siyang wala ito sa piling niya, ngunit nang mamatay ito, roon niya naramdaman na mahal pala niya ang kanyang ama.

May nagsasabi namang baka nga nabigo raw sa pag-ibig ang Pinay international singing sensation kaya naisipan niyang ipalagay ito sa kanyang balat. Ang nakaiintrigang tanong lang na natanggap namin ay kung kanino raw siya nabigo, sa girl ba o sa boy? Hehehe!

Anyway, si Charice ay part ng upcoming show, ‘The X Factor Philippines.’ na malapit nang mapanonood sa ABS-CBN.

***

Pang-American Idol ang performance ng Wonder Gays!

INAAMIN namin na nung unang mag-concert ang Wonder Gays sa Zirkoh, Morato ay disappointed kami. Sa bandang kalagitnaan nga ng show nila ay talagang lumayas kami. Parang walk-out ba. Hahaha! Pa’no naman kasi mga singer sila pero yung concept ng kanilang show ay parang stage play. Ginawa silang dramatic actress gayong mga singer sila.

Pero sa pangalawang pagkakataon nang muling mag-show ang mga talentadong baklita sa nasabing venue ay muli kaming napaamin, sumakit ang aming panga dahil sa matagal kaming napanganga sa sobrang galing na ipinakita ng grupo sa kani-kanilang number.

Bawat isa sa kanila ay nag-improve nang ilang beses sa singing. Ito ngang si White kamuntik pa kaming magpa-autograph dahil napagkamalan naming siya si Celine Dion dahil sa pagkanta niya ng isa sa awitin nito na sobrang taas na nga ng original mas tinaasan pa ng bakla! Anong sinabi ni Marcelito Pomoy sa kanyang paulit-ulit na panggagaya kay Regine Velasquez na nakauumay na’t hindi naman talaga nakabibilib.

Maging si Blue, Gray, Green at Pink ay kahanga-hanga rin ang naging performance.

Kaya pala pabalik-balik na lang sila sa Australia para mag-show. Nire-request sila palagi. Congratulations sa kanilang manager na si Lito de Guzman dahil sa pagkakaroon ng mga ganitong kagagaling na species. Hehehe!

Kidding aside, bilib kami sa kanila. Sana makapanood ulit kami ng kanilang show.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming pangalan.

Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply